Dumaan sa paglilitis ang isang obispo ng Simbahang Katoliko Romano sa India matapos akusahang paulit-ulit na nanggahasa ng madre.
Dumating sa korte sa Kottayam, Kerala si Franco Mulakkai kasama ang mga taga-suporta noong Sabado.
Inakusahan ang obispo na ilang ulit hinalay ang madre mula 2014 hanggang 2016 habang pinangungunahan ang Missionaries of Jesus order.
Hindi kaagad naghain ng depensa sa korte si Mulakkai, ngunit mariin nitong itinanggi ang mga paratang hanggang sa pagdinig.
Nagreklamo ang bikima noong Hunyo nakaraang taon ngunit sinimulan lang ang imbestigasyon tatlong buwan makalipas, matapos magprotesta ang limang madre sa labas ng korte.
Sumulat din ang mga madre sa matataas na lider ng simbahan sa India at Vatican hinggil sa kaso.
Inaresto si Mulakkai noong Oktubre nakaraang taon at nakalaya matapos mag piyansa.
Muling haharap sa pagdinig sa Enero 6 ang obispo na maaaring patawan ng habambuhay na pagkakakulong kung mapatunayang may sala.
Samantala, nakatatanggap naman daw ng batikos at panghaharas sa ilan mula sa simbahan ang mga madreng lumaban sa kaso.