OBISPONG TUBONG MALASIQUI, PANGASINAN, PUMANAW MATAPOS ATAKEHIN SA PUSO HABANG NAGLALARO NG BASKETBALL

Pumanaw noong Lunes ng gabi si Bishop Enrique Macaraeg ng Diocese of Tarlac. Siya ay 67 taong gulang.
Ayon sa ulat mula sa website ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), namatay ang prelate sa kanyang bayan sa Malasiqui, Pangasinan dahil sa apparent cardiac arrest.
Naglalaro umano ang obispo sa isang basketball tournament nang bumagsak ito sa court.

Inihatid ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang balita sa pagkamatay ng obispo sa Conference.
Nagpahayag ng dalamhati at humingi ng panalangin sa pagkamatay ni Macaraeg Ang Diocese of Tarlac.
Naglabas din ang diyosesis ng panalangin para sa walang hanggang pahinga ng kaluluwa ni Macaraeg.
Sinabi naman ni Sanchez na ipo-post sa kanilang social media account ang mga detalye at impormasyon tungkol sa pagkamatay ng obispo.
Si Macaraeg ay naordinahan bilang pari para sa Lingayen-Dagupan archdiocese noong 1979.
Hinirang siya ni Pope Francis na obispo ng Tarlac noong 2016. Siya ang namumuno sa CBCP Episcopal Commission on the Laity. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments