TOP 3 MOST WANTED PERSON SA LALAWIGAN NG RIZAL, ARESTADO SA BAYAMBANG, NAHULIAN PA NG MGA BARIL

Sa bayan ng Bayambang nahuli ang pangatlo sa mga Most Wanted Person sa bayan ng Montalban sa lalawigan ng Rizal.
Ang akusado ay si Bonifacio Gomes, residente ng San Jose Rodriguez Montalban Rizal.
Inaresto ito sa kasong murder pasado alas onse ng Umaga sa Barangay San Gabriel 2nd sa bayan ng Bayambang kung saan ay nakuhanan pa ito ng isang Caliber 45 at talong bala nito , kasama pa ang isang improvised shotgun at ilang mga bala nito.

Dinala naman na sa lalawigan ng Rizal ang akusado at nakatakdang sampahan ng karagdagang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments