Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Occidental Mindoro, Sabado ng madaling araw.
Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nangyari ang pagyanig alas-4:06 ng umaga.
Naitala ang sentro nito 21 kilometro Hilagang Silangan ng Looc, Occidental Mindoro.
Naramdaman ang Instrumental Intensity IV sa Calatagan, Batangas; at sa Tagaytay City, Cavite.
Nasa Intensity III naman sa Carmona, Cavite; Marilao, Bulacan; at Talisay, Batangas.
Intensity II ang naitala sa mga bayan ng Plaridel, Malolos City, Calumpit, at San Rafael, Bulacan; Puerto Galera, Oriental Mindoro; Bacoor City; Marikina City; Muntinlupa City; Las Piñas City; at Quezon City.
Facebook Comments