Occupancy ng ICUs sa National Capital Region, nasa critical level na

Umabot na sa critical level ang occupancy rate ng mga Intensive Care Unit (ICU) ng mga ospital sa Metro Manila kasunod ng tumataas na kaso ng COVID-19.

Ayon sa OCTA Research Group, 70 percent ng puno ang ICUs para sa mga pasyente ng COVID-19 habang tumaas nang 61 percent ang hospital bed occupancy.

Nasa 18 percent naman ang possitivity rate sa NCR.


Giit ng grupo, bagama’t bumaba ang reproduction number ng virus sa Metro Manila, masyado pang maaga para sabihing umpisa na ito ng inaasahang pagbaba ng mga kaso dahil sa ipinatupad na National Capital Region o “NCR Plus bubble”.

Batay rin sa OCTA, ang Barangay Fort Bonifacio sa Taguig ang nangungunang may pinakamataas na COVID-19 cases na may 342 pasyente.

Nasa “critical” na rin ang capacity ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sa Tala, Caloocan, na isa sa mga COVID-19 referral hospitals.

Nagkukulang na rin sila sa health workers kaya magpapadala na ang Department of Health (DOH) ng 150 dagdag na tauhan.

Habang nagpasaklolo na rin ang Philippine General Hospital sa Maynila at Lung Center of the Philippines sa Quezon City dahil sa kakulangan ng health workers sa gitna ng pagsirit ng mga kaso ng COVID-19.

Facebook Comments