Bumaba na sa 67% ang occupancy rate sa anim na district hospital sa lungsod ng Maynila.
Sa inilabas na datos ng Manila Health Department (MHD), nasa 336 mula sa 501 na COVID-19 beds ang okupado sa mga nasabing hospital.
Sa anim na district hospital na nasa ilalim ng Manila Local Government Unit LGU, nananatili ang Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center na lumagpas sa kanilang capacity na nasa 104%.
Ang occupancy rate naman ng Ospital ng Maynila ay nasa 49% habang ang Ospital ng Tondo ay nasa 56%; Ospital ng Sampaloc – 63%; Sta. Ana Hospital -68% at Justice Jose Abad Santos General Hospital na nasa 69% capacity.
Nasa 76% naman ang occupancy rate sa Manila COVID Field Hospital kung saan 260 ang okupado mula sa 344 na bed capacity.
Bumaba na rin sa 12% ang occupancy rate sa 14 na quarantine facilities na ibig sabihin ay nasa 115 ang okupado mula sa 923 na kama na inilaan ng lokal na pamahalaan ng Maynila.