Bonifacio High Street sa Taguig, magbubukas ng dalawang araw para sa voter registration

Magbubukas ng satellite voter registration ang One Bonifacio High Street sa Bonifacio Global City sa Taguig sa huling dalawang araw ng pagpaparehistro para sa 2022 national and local elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC).

Bubuksan ang registration sa September 29-30, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.

Sa advisory ng One Bonifacio High Street, ito ay eksklusibo lamang sa mga residente ng Taguig at kailangan ay may pre-registration sa pamamagitan ng COMELEC Taguig Facebook page.


Samantala, bukod sa pagdadala ng ID, ballpen, mask at alcohol, inaabisuhan din ang lahat na tiyakin na dala ang mga sumusuonod:

• 3 kopya ng CEF-1 form sa long bond paper

• COVID-19 self-declaration form

• at supplementary data form para sa mga PWD, senior citizen at indigenous people.

Facebook Comments