Occupancy rate sa ilang ospital sa Maynila, 10% na lang

Bumaba na sa 10% ang occupancy rate sa anim na district hospital sa lungsod ng Maynila.

Sa datos mula sa Manila Local Government Unit (LGU), nasa 49 na lamang ang bilang ng mga okupadong kama mula sa 494 na inilaan na COVID-19 beds para sa mga nagpositibong pasyente.

Ang Gat Andres Memorial Medical Center at Ospital ng Maynila ay nasa 3% at 5% na lamang hahang walang naitalang pasyente sa Ospital ng Sampaloc.


Nasa 44% naman ang occupancy rate sa Ospital ng Tondo, 25% sa Justice Jose Abad Santos General Hospital habang 10% sa Sta. Ana Hospital.

Bumaba rin sa 19% ang occupancy rate ng Manila COVID-19 Field Hospital o katumbas ng 67 na kama ang okupado mula sa 344 bed capacity na inilaaan ng lokal na pamahalaan.

Nananatili sa 0% hanggang ngayon ang occupancy rate ng quarantine facility para sa COVID-19 positive at suspected cases kung saan bakante hanggang sa ngayon ang nasa 733 bed capacity.

Facebook Comments