Occupancy rate sa mga Hope Caring Facilities ng Quezon City, patuloy sa pagbaba

Bumaba na sa 51% ang kasalukuyang ginagamot na mga COVID-19 patient sa lahat ng HOPE Caring Facilities sa lungsod ng Quezon.

Ito ang iniulat ng Quezon City Health Department dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga nahahawaan ng virus sa loob ng dalawang linggo.

Base sa QC Caring Facilities update, nasa 51.07% na lamang ang nananatili ngayon at kasalukuyang ginagamot ng mga healthcare workers.


Dumarami na rin ang available hospital bed sa mga pagamutan na nasa ilalim ng QC government.

Sa ngayon, nasa 11,660 na lamang ang active cases sa QC kumpara sa mahigit 12,000 noong nakaraang araw.

Umabot naman sa 91.76% o kabuuang 145,387 ang gumaling na mula sa COVID-19.

Kanina, iniulat ng OCTA Research Group na nasa 0.99 na lamang ang reproduction rate ng virus sa buong National Capital Region.

Facebook Comments