Occupancy rate sa mga hospital, bumaba matapos ang ipinatupad na MECQ

Bahagyang bumaba ang bed occupancy rate ng mga ospital sa Metro Manila matapos isailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula August 4 hanggang August 18, 2020.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, unti-unting nade-decongest ang mga ospital mula sa 81% na occupancy rate ay naging 76% na lamang ngayon.

“Gradual, nakikita natin nade-decongest ‘yong mga ospital. From naghi-hit tayo bago tayo mag-MECQ ng mga 86, 81 percent sa occupancy rate sa National Capital Region. Ngayon naman napapababa natin ng kaunti nasa 76 percent tayo, although much is still one thing,” – ani ni Vergeire.


Una nang hiniling ng grupo ng health workers ang muling pagpapatupad ng mas mahigpit na community quarantine para sila ay makapagpahinga lalo na’t marami na rin sa kanila ang dinadapuan ng COVID-19.

Facebook Comments