Masayang ibinalita ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na marami na talaga na tinamaan ng COVID-19 sa Maynila ang gumagaling na.
Ayon kay Mayor Isko, patunay nito ay mas mababa na sa 50% ngayon ang occupancy rate ng COVID-19 patients sa mga ospital at iba pang health facilities sa lungsod.
Dahil dito, lubos na nagpapasalamat si Domagoso sa Diyos, gayundin sa tamang pag-aalaga at paggamot ng mga doktor at nurses sa mga nahahawa ng virus sa Maynila.
Umaasa si Mayor Isko na magtutuloy-tuloy na ito.
Kaya naman umaapela si Domagoso sa lahat na patuloy na mag-ingat at pairalin ang disiplina sa sarili para makaiwas sa COVID-19.
Facebook Comments