Pinag-iingat ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko sa epekto ng Bagyong Kabayan partikular ang mga lugar na tatamaan nito.
Sa abiso ng OCD, maliban sa mga pag-ulan, dapat mag-ingat sa dalang hangin ng bagyo na maaaring magdulot ng pagkasira sa mga kabahayang gawa sa lightweight materials, mga high risk na istruktura, at maging sa ilang pananim.
Kasunod nito, naglabas ng paalala ang kagawaran sa mga dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng bagyo.
Kasama rito ang regular na pag-monitor sa mga balitang may kinalaman sa bagyo, paghahanda ng GO bag na naglalaman ng mga pangangailan ng pamilya, paglikas sa mga evacuation center kung kinakailangan, at iba pa.
Facebook Comments