NDRRMC: Higit 6,000 indibidwal, apektado ng shear line at bagyo

Umabot na sa 2,190 pamilya o 6,723 indibidwal ang apektado ng shear line at Bagyong Kabayan.

Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Lunes, Disyembre 18.

Nagmula ang mga apektadong residente sa 43 barangay sa Caraga.


Habang 2,072 pamilya o 6,370 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa 48 evacuation centers sa rehiyon.

Tatlong lugar din sa Caraga ang nakararanas ng power interruption.

Samantala, stranded ang 124 pasahero at tatlong sasakyang pandagat sa nasabing rehiyon.

Kasunod nito, patuloy ang paalala ng NDRRMC sa mga apektadong residente na mag-ingat at makinig sa abiso ng inyong lokal na pamahalaan upang makaiwas sa aksidente o pagkalagas ng buhay.

Facebook Comments