OCD, nag-abiso na ng force evacuation dahil sa tsunami warning dulot ng 7.6 magnitude na lindol sa Davao Oriental

Nag-abiso na ng force evacuation ang Office of the Civil Defense (OCD) sa mga residente dahil sa tsunami warning dahil sa 7.6 magnitude na lindol sa offshore ng Davao Oriental.

Inaabisuhan na ang agarang pag-evacuate sa mataas na lugar o malayo sa dagat ng mga sumusunod na lugar:

Eastern Samar
Southern Leyte
Leyte
Dinagat Islands
Surigao Del Norte
Surigao Del Sur
Davao Oriental

Ang mga sasakyang pandagat malapit sa dagat at pantalan ay inaabisuhan na rin ng OCD na i-secure and ilayo sa karagatan at mga nasa laot ay manatili muna at maghanap ng malapit na masisilungan .

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang first wave ay inaasahan sa pagitan ngayong umaga simula 9:43 a.m. hanggang 11:43 a.m.

Sa ngayon, patuloy ang koordinasyon ng Office of Civil Defense at mga miyembro ng NDRRMC sa mga regional offices patungkol sa sitwasyon at response operations.

Facebook Comments