
Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nananatiling operational ang mga paliparan matapos ang magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Davao Oriental kaninang umaga.
Ayon sa CAAP, walang naitalang major damage sa airport facilities sa buong bansa.
Gayunman, nagkaroon anila ng minor cracks sa logistics building ng Dipolog Airport.
Patuloy ang inspection ng CAAP sa mga paliparan para matiyak ang structural integrity at kaligtasan ng mga pasahero.
Samantala, 2 commercial flights patungong Davao ang na-divert matapos ang lindol :
Air Gap GAP2813 (Manila–Davao) – diverted to Mactan-Cebu International Airport
• CEB963 (Manila–Davao) – diverted to General Santos International Airport
Facebook Comments









