Iniulat ng Office of Civil Defense (OCD) na lima ang nasaktan sa magnitude 6.3 na lindol na tumama sa Dalupiri Island, Calayan, Cagayan kagabi.
Ayon kay Diego Mariano, pinuno ng Disaster Communications Unit ng OCD, ang lima ay iniulat na nabagsakan ng gumuhong pader, kung saan minor injuries lang ang tinamo ng tatlo, habang brain trauma at concussion ang tinamo ng dalawa.
Sa huling ulat ng OCD ngayong umaga, walang iniulat na nasawi at walang naitalang major damage sa imprastraktura ang lindol.
Kasalukuyang nagsasagawa ng monitoring at assessment sa situasyon ang OCD Region 2, kasama ang Cagayan at Isabela Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC).
Kasunod nito, tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na naka-preposition na ang relief supplies kung saka-sakaling kailanganin.