Thursday, January 15, 2026

OCD, walang naitalang nasawi sa pagbaha sa Davao Region

Walang iniulat na nasawi ang Office of Civil Defense (OCD) sa nangyaring pagbaha sa Davao Region dahil sa malakas na pag-ulan.

Sa huling datos ng OCD, humupa na ang baha sa 23 mula sa 25 lugar na binaha.

Apektado rito ang mahigit 14,000 pamilya o mahigit 61,000 indibidwal, kung saan 451 pamilya o 1,700 indibidwal ang kasalukuyang nasa iba’t ibang evacuation center.

Samantala, base pa sa datos ng OCD ay tinatayang mahigit sa P105 million ang pinsala sa agrikultura; habang limang bahay ang iniulat na nagtamo ng pinsala at dalawang bahay ang tuluyang nawasak.

Kaugnay nito, nakapagpamahagi na ang pamahalaan ng tulong pinansyal o P2.6-M sa mga apektado ng malawakang pagbaha sa Carmen, Davao del Norte sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development Region 11.

Facebook Comments