Posibleng matagalan pa bago matukoy kung may local transmission na sa Pilipinas ng variant ng COVID-19 mula sa India.
Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, wala pa silang nababalitaang community transmission ng Indian variant sa bansa na posibleng maganap sa panahong isinailalim sa MECQ at ECQ at ilang lugar sa Pilipinas.
Makikita lang aniya ito ngayong buwan o sa susunod depende kung maitatala muli ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Pinaalalahanan naman ni David ang publiko na patuloy pa ring mag-ingat dahil malaki ang naging epekto ng variant sa India.
Matatandaang ika-11 ng Mayo nang unang ma-detect ng Department of Health (DOH) ang B.1.617 variant sa dalawang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Oman at United Arab Emirates.
Facebook Comments