OCTA, aminadong makakaapekto sa kanilang COVID-19 monitoring ang pagbabago ng DOH sa case bulletin

Aminado ang OCTA Research Group na makakaapekto sa kanilang COVID-19 monitoring ang lingguhang paglalabas ng COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH).

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, hindi na nila makikita ang bilis o pagtaas ng kaso at mawawalan sila ng visibility sa kabuuang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Aniya, umaasa silang hindi na magkakaroon ng bagong variant ng COVID at manatiling mababasa ang kaso nito sa bansa.


Giit ni David, mas maganda sana kung makikita pa rin ng publiko ang aktwal na bilang ng mga kaso para mas tumibay ang kumpiyansa ng mga ito at ma-enjoy ang new normal.

Facebook Comments