Mga kukuha ng civil service exam, kinakailangan pa ring magsuot ng face shield

Nagpaalala ang Civil Service Commission (CSC) na kailangang nakasuot ng face mask at face shield ang mga papasok sa testing centers para sa civil service exam.

Ayon sa CSC, sa pagpasok lang ng testing venue kailangan ang face shield at sa oras na magsimula na pagsusulit ay maaari na itong hubarin.

Ang civil service exam ay idaraos muli sa Marso 13 matapos maantala ng ilang taon dahil sa pandemya.


Bukod sa face mask at face shield, kailangan ding dalhin ng mga examinee ang kanilang vaccination card o vaccination certificate.

Ang mga partially vaccinated o nakaka isang dose pa lang ng bakuna ay maaari pa ring mag-exam ngunit kailangan nilang magdala ng negatibong resulta ng alinmang COVID test.

Facebook Comments