OCTA, hindi inirerekomenda ang pagkakaroon ng lockdown pagkatapos ng halalan sa Mayo

Walang inirekomendang lockdown ang OCTA Research Group sa pamahalaan pagkatapos ng eleksyon sa Mayo.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Prof. Ranjit Rye na bagama’t nakikita nila ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 makaraan ang halalan ay hindi naman ito sapat para magpatupad ng malawakang lockdown.

Ani Dr. Rye, magiging manageable naman ang mga kaso dahil nag-pokus ang pamahalaan sa preventive measures tulad ng pagpapalakas ng prevent, detect, isolate, treatment, reintegrate o PDITR strategy.


Kasunod nito, patuloy na apela ni Dr. Rye sa publiko na magpabakuna at magpa-booster shot na nang sa ganon kapag nakapasok sa bansa ang Omicron sub variants ay mayroon pa rin tayong proteksyon.

Aniya, posibleng makaranas ng surge ang mga rehiyon sa bansa na mababa parin hanggang ngayon ang vaccination coverage.

Facebook Comments