29 NA KASO NG COVID-19 NAITALA NG REGION 1

Naitala ng Department of Health- Ilocos Center for Health Development 1 ang 29 na kaso ng COVID-19 mula April 17-23.
Ayon sa DOH-CHD1, apat na kaso ang daily average cases ng rehiyon o 70. 6 % mababa kumpara noong nakaraang linggo.
Anim na katap dito ang kumpirmadong nasawi dahil sa virus.

Nadagdagan naman ng 53, 477 na katao ang fully vaccinated kung kaya’t nasa 3, 546, 190 ang kabuuang bilang ng nabigyan ng ikalawang dose ng bakuna.
Samantala, 722, 184 na ang naturukan ng booster dose matapos madagdagan ng 21, 468 na indibidwal. | ifmnews
Facebook Comments