Naniniwala ang OCTA Research Team na hindi pa maituturing na alarming ang naitalang pagtaas sa 0.85 ng COVID-19 reproduction number sa bansa.
Sa Laging Handa public press briefing, ipinaliwanag ni Dr. Guido David na kahit nagkaroon ng pagtaas sa numerong ito, maging ang Average Daily Attack Rate (ADAR) sa National Capital Region (NCR) na nasa 0.82 na, ay nananatili pa rin itong mababa o less than one.
Aniya, hindi pa masasabi kung Omicron variant ang sanhi ng pagtaas sa mga numero ng kaso lalo’t noong nakaraang taon ay ganito rin ang COVID-19 situation ng bansa, dahil sa holiday season.
Inaasahan na aniya ang mga pagtaas na ito, kaya naman una pa lamang ay nagpaalala na ang mga Local Government Unit (LGU), Department of Health (DOH) na sundin pa rin ang minimum health protocols.
Sinabi pa ni Dr. David na mainam na hintayin muna ang datos sa buwan ng Enero, para sa mas malawak na larawan o assessment ng COVID-19 sitiuation sa bansa.