OCTA, iminungkahing pag-aralan ang mga bansang hindi na nagpapatupad ng Alert Level System

Hindi tumututol ang OCTA Research Group sa inilulutang ngayong pagtanggal ng Alert Level System sa harap na rin ng gumagandang COVID situation sa bansa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na sa katunayan ay ginagawa na ito sa ibang mga bansa tulad sa Europa kung saan inalis na ang Alert Level System.

Ayon kay Dr. David, mula sa ganitong practice ng ibang mga bansa ay maaaring ma-obserbahan din natin dito sa Pilipinas at kalaunan ay ipatupad narin.


Ani ni David sa gagawing pag- aanalisa ay madedetermina ang peligro at benepisyo na makukuha sa pagtatanggal sa Alert Level System.

Facebook Comments