Magtutuloy-tuloy lang ang pagdami ng bilang ng mga nakakarekober mula sa COVID-19.
Sa Laging Handa pubic press briefing, sinabi ni Prof. Guido David, ng OCTA Research Group na batay sa pag-aaral ng mga eksperto sa abroad na mas maiksi ang duration ng Omicron variant.
Mas maiksi rin aniya ang incubation period dahilan kaya’t pinaiksi na rin ng Department of Health (DOH) ang quarantine period.
Base sa pinakahuling Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution, ang sinumang tinamaan ng mild COVID-19 symptoms, mapa-healthcare worker man o hindi, kinakailangan itong mag-isolate ng 7 araw mula sa dating 10 araw.
Kapag moderate cases 10 araw habang kapag severe infections naman ay 21 araw simula nang maramdaman ang sintomas.
Samantala, iginiit pa nito na 98% ng mga kaso ngayon ay mild at asymptomatic at napakaliit na porsyento lamang ang severe and critical cases.
Kaya patuloy na panawagan nito sa mga hindi pa bakunado na magpabakuna na dahil base sa mga pag-aaral, mas matindi o malala ang epekto ng COVID-19 sa mga unvaccinated individual.