OCTA, kinumpirmang biglang tumaas ng 21% ang positivity rate sa Metro Manila noong Dec. 28!

Inihayag ng OCTA Research Group na biglang tamaas ng 21% ang daily positivity rate sa National Capital Region, dalawang araw bago matapos ang taong 2021.

Ito ay batay na rin sa ginawa nilang pag-aaral kung saan pumalo sa 3.19 ang COVID-19 reproduction number noong Dec. 28.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ito ang dahilan kaya pumalo sa halos 3,000 hanggang 4,000 ang COVID-19 cases sa bansa noong January 1, 2022.


Bunsod nito, Enero a-dos ng ilagay ng OCTA ang NCR sa “high risk” sa COVID-19 habang moderate risk naman ang mga katabing probinsya nito na Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan.

Facebook Comments