OCTA, nagbabala sa posibleng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 bansa

Nagbabala ang OCTA Research Group sa posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa tulad ng pagtaas ng kaso sa South Africa at India.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, posibleng mas mataas pa sa 50,000 hanggang 100,000 na aktibong kaso ang maitala ng bansa sa mga susunod na buwan.

Tinututukan rin kasi aniya ng OCTA ang sitwasyon sa South Africa kung saan tumataas hanggang 4,000 ang kaso sa loob ng isang linggo gayundin sa Delhi, India kung kaya’t nakakabahala ito dahil sumusunod ang Pilipinas sa sitwasyon ng mga naturang bansa.


Dagdag pa ni David na ang dalawang bagong sub-variant na BA.4 at BA.5 ng Omicron variant ang dahilan ng pagtaas ng kaso sa South Africa habang ang bagong Omicron sublineage variant na BA 2.12 naman ang kumakalat sa India.

Samantala, nauna ng sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi pa variant of concern sa Pilipinas ang BA.4 at BA.5.

Facebook Comments