18-ANYOS NA LALAKING NAHULIHAN NG BARIL SA BORACAY AT MAY STANDING WARRANT OF ARREST, MULING KINASUHAN

23
Kalibo, Aklan — Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 in relation to COMELEC gun ban ang isang 18-anyos na lalaking nahulihan ng baril sa isla ng Boracay. Ang suspek ay kinilalang si John Mark Visca, 18 anyos, ng Romblon at kasalukuyang nakatira sa Sitio Pinaungon Ibabaw, Brgy. Balabag sa nasabing isla. Nakuha sa suspek ang isang Caliber .45 pistol na may Serial No. 08137 at isang (1) magazine na may pitong live ammunitions. Napag-alaman din ng mga otoridad na merong standing warrant of arrest ang suspek sa kasong THEFT (RPC) Article 308 Criminal Case No. 16155 na inilabas ni Hon. Bienvenido P. Barrios Jr., Presiding Judge, Regional Trial Court, Sixth Judicial Region, Branch 3, Kalibo, Aklan. Php 200, 000 ang piyansang itinakda ng korte sa kasong illegal possession of firearms at Php 36,000 naman para sa paglabag sa Omnibus Election Code.
Facebook Comments