OCTA, nilinaw na isang formula lamang ang ginagamit para ideklara kung nakamit na ang herd immunity

Nilinaw ng OCTA Research Group na isang formula lamang ang ginagamit sa pagtukoy kung naabot na ng isang lugar ang herd immunity laban sa COVID-19.

Ito ay matapos na ihayag ng Department of Interior and Local Government (DILG) na 23 lungsod na sa ngayon ang naabot na ang herd immunity.

Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, kinakailangang nasa 80% ng populasyon ang bakunado na at mas mababa sa isang prosyento ang reproduction number o bilis ng hawahan ng virus.


Pero idinagdag ni David na mayroon pang mga batayan na kailangang ikonsidera para sa herd immunity gaya ng brand ng bakuna.

Ipinaliwanag nito na sa 80% na fully vaccinated population ay kinakailangang 100% naman ang efficacy ng bakuna.

Mahihirapan aniya na makamit ang herd immunity kung magkakahalong brand ang ginamit dahil magkakaiba ang efficacy ng mga ito.

Facebook Comments