OCTA research group, irerekomendang isama na rin ang Batangas at Pampanga sa NCR plus bubble

Irerekomenda ng OCTA Research Group sa pamahalaan na isama na rin sa NCR plus bubble ang dalawa pang kalapit na lalawigan.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, nakakaalarma na rin ang patuloy na pagtaas ng COVID-19 sa probinsiya ng Pampanga at Batangas.

Nabatid na umakyat ng higit 140 percent ang naitalang COVID-19 cases kada araw sa Batangas na mas mataas pa sa naiitala sa ilang lalawigan na nasa loob ng NCR Bubble.


Sakali aniyang magtuloy-tuloy pa ito ay hihilingin na nila sa pamahalaan na isailalim na rin ang Batangas at Pampanga sa General Community Quarantine.

Facebook Comments