Pakikipag-usap sa Chinese Ambassador, makabubuting ipaubaya ng Pangulo sa DFA Secretary

Para kay Senator Richard Gordon, mas mainam na si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin ang makipag-usap sa Chinese Ambassador sa halip na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay ito sa panghihimasok ng mga Chinese vessel sa ating Julian Felipe Reef sa West Philippine sea.

Ayon kay Gordon, posible na sa pakikipag-usap ng Pangulo ay igigiit ng Ambassador ng China ang kanilang official policy sa usapin.


Paliwanag ni Gordon, sa oras na tanggihan o hindi pakinggan ng Chinese Ambassador ang anumang hiling ng Pangulo ng ating bansa ay magmumukha lang tayong basang sisiw.

Facebook Comments