OCTA Research Group, pinayuhan ang mga ospital na itaas ang kanilang bed capacity para sa COVID patients sa kabila ng banta ng Delta variant

Kasunod ng banta ng Delta variant na pinaniniwalaang mas mabilis makahawa, ipinanawagan ng independent research group na OCTA sa mga ospital na taasan pa ang kanilang bed allocations para sa mga pasyenteng tatamaan ng COVID-19.

Ayon kay OCTA Research Group member Prof. Ranjit Rye, maituturing na “game changer” ang Delta variant na unang na-detect sa India.

Sinabi ni Prof. Rye na saka-sakaling makapasok sa bansa ang nasabing variant at kumalat ay paniguradong dudurugin nito ang ating healthcare system.


Ani Rye, dapat na itong paghandaan ng mga ospital at ng pamahalaan.

Maliban dito, hinihikayat din nito ang pamahalaan na paigtingin pa ang testing, tracing, isolation, border control at vaccination strategies.

Ang publiko naman ay pinapayuhan din ng OCTA na huwag magpakampante kahit bakunado na dahil hindi pa tapos ang pandemya.

Sa ngayon, 17 Delta variant cases na ang nade-detect sa bansa na mula sa mga returning overseas Filipinos pero dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng quarantine protocols ay hindi na ito kumalat pa o wala pang naitatalang community transmission.

Facebook Comments