OCTA Research, hinimok ang pamahalaan na pag-isipang mabuti ang domestic travel protocols sa harap ng pagtaas ng COVID-19 cases sa labas ng NCR

Dapat magpatupad ang pamahalaan ng adjustments sa domestic travel protocols lalo na ang mga probinsya sa labas ng National Capital Region (NCR) ay nakakaranas ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay OCTA Research Fellow Ranjit Rye, ang mobility ay isa sa dahilan kung bakit tumataas ang kaso sa labas ng NCR.

Aniya, naidadala ng mga tao ang virus sa mga probinsya.


Napapansin din ang pagtaas ng kaso sa Cagayan Valley, Zamboanga, Davao Region, at ilang lugar sa Visayas.

Nakakabahala ang sitwasyon sa Davao dahil malapit na silang magkaroong surge.

Kapag tumaas muli ang mga kaso, masasagad muli ang healthcare system.

Bagamat bumababa na ang case trend sa Metro Manila, dapat manatili pa rin ang General Community Quarantine (GCQ) status with heightened restrictions sa NCR Plus para sa buwan ng Hunyo.

Facebook Comments