OCTA Research Team, atubili sa desisyon ng pangulo na maaari nang hindi gumamit ng face shield ang publiko.

Kailangang pag-aralan ng mabuti ang sitwasyon ng mga ospital sa bansa at doon ibatay ang pagluluwag sa health protocols.

Iginiit ito ni Dr. Guido David ng OCTA Research Team kasunod ng pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na puwede nang hindi magsuot ng face shield ang publiko kapag lumalabas.

Ipinaliwanag ni Dr. David na mahalaga ang pagsusuot ng face shield sa mga kulob na lugar at sa mga lugar na marami ang mga tao para maiwasan ang hawaan.


Aniya, Bagama’t may nakikita nang pagbaba sa mga kaso ng COVID-19, mahalaga pa rin ang pag-iingat ng publiko.

Facebook Comments