Kasunod nang natatamasa nating unti-unting tagumpay laban sa COVID-19.
Umaapela ang OCTA Research group sa pamahalaan na panatilihin ang pondo ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of the Interion and Local Government (DILG) para sa mga contact tracers.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Prof. Ranjit Rye na mahalaga ang papel ng mga contact tracers sa layuning matukoy agad kung sinu-sino ang mga nahawaan ng virus upang agad silang ma-isolate at hindi na makapanghawa pa ng iba.
Mahalaga rin ang papel at kooperasyon ng pribadong sektor lalo na ng mga restaurant at malls para masigurong nasusunod ang health & safety protocols sa kanilang mga establishemento, gayundin ang publiko na tiyaking sumusunod at hindi nagpapabaya.
Ani Rye, importante ang kooperasyon at tulungan ng bawat isa dahil kung magpapabaya ang lahat at muling sumipa ang kaso ay walang imposible na maghigpit muli ng mga restrictions.
Payo pa nito, dahil papalapit na ang Pasko o holiday season iwasan muna ang mass gathering, hangga’t maaari ay pami-pamilya muna ang magtipon-tipon at ugaliing magsuot ng face mask.