Sa kabila ng gumagandang datos ng COVID-19 cases sa bansa.
Iminumungkahi ng OCTA Research team sa pamahalaan na palawigin pa ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa NCR Plus bubble.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Prof. Ranjit Rye na naging malaking tulong ang pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ng NCR Plus areas at sa katunayan ay unti-unti nang bumababa ang kaso.
Pero sa ngayon, nananatili pa ring mataas ang daily average attack rate at positivity rate habang mataas pa rin ang occupancy rate ng ICU hospitals.
Ayon kay Prof. Rye, nangangailangan pa ang NCR Plus ng “more time to heal” upang ma-sustain ang downward trend.
Kasunod nito, mas makabubuti kung palalawigin pa ang MECQ sa NCR Plus bubble ng isa hanggang 2 linggo para mapaghusay pa ang ginagawang intervention ng pamahalaan tulad ng pagsasanay sa mga karagdagang contact tracers, expansion ng hospital capacity at pag-improve sa testing capacity.
Sinabi pa nito na kailangang magkaroon ng calibrated slow exit strategy ang pamahalaan upang hindi ma-revert ang sitwasyon na imbes na GCQ ay mauwing muli sa ECQ.