Odd-scheme sa Pasig City, sinuspindi na. EPD, inilunsad na ang kanilang Disaster Response Team

Bilang pangako noong panahon ng kampaniya, agad na sinuspindi ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang Odd-Even Number Coding Scheme na umiiral sa kanilang lungsod.

Nabatid kasi na pangako ni Sotto sa mga residente ng Pasig ang nasabing hakbang sa unang araw pa lamang ng pag-upo sa pwesto.

Sa naging pahayag ni Sotto, isa siya sa mga tumtutol sa nasabing ordinansa noong siya ay konsehal pa lamang dahil aniya hindi daw ito patas at hindi epektibo.


Bukod dito, nag-courtesy call din sa kaniyang opisina ang District Director ng Eastern Police na si Brig. General Nolasco Bathan at ang Hepe Pasig PNP na si Col. Rizalito Gapas.

Kasabay nito, inilunsad na din ng Eastern Police ang kanilang Disaster Response Team na siyang mangungunang tutulong sa oras ng sakuna lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Facebook Comments