Siniguro ng Office of Civil Defense (OCD) ang agarang pagbabalik ng mga pangunahing serbisyo sa Bicol Region na labis na naapektuhan ng matinding pagbaha dulot ng Bagyong Kristine.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro, may sapat na pondo at kagamitan ang pamahalaan para tugunan ang pangangailangan ng mga apektado ng kalamidad.
Nakipag-ugnayan na rin ang kalihim sa ating ASEAN neighbors tulad ng Singapore para sa posibleng airlift at manpower assistance.
Gayundin ang koordinasyon sa Brunei, Indonesia, at Malaysia para sa karagdagang tulong.
Samantala, sinabi naman ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, na habang tinutugunan ang pangangailangan ng Bicol, naghahanda na rin ang ahensiya sa posibleng epekto ng bagyo sa Northern Luzon.
Kasama rito ang pagbili ng 34 na water filtration machines na handang gamitin sa mga evacuation centers upang matiyak na may malinis na tubig na maiinom ang mga evacuees.