Dismayado si Pastor Apollo Quiboloy sa tinakbo ng proseso ng pagdinig ng Senado patungkol sa mga reklamo ng pangaabuso laban sa kanya ng mga dating miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
Pagkatapos ng pagdinig ay nagbigay ng maikling pahayag si Quiboloy kung saan sinabi niyang naging “trial by publicity” lamang ang pagdinig ng Senado laban sa kaniya.
Giit ng religious leader, hindi dapat ang Senate Committee on Women ang komite na magdedesisyon kung guilty siya sa mga akusasyon o hindi.
Aniya pa, hindi rin naging fair o patas ang komite sa kanya lalo’t lahat ng mga nagsalita sa pagdinig ay puro laban sa kanya.
Hinamon din ni Quiboloy ang mga nagbabato ng mga mabibigat na alegasyon na patunayan sa korte ang mga paratang tungkol sa pang-aabuso at paggamit niya sa simbahan.