Hinihimok ngayon ng Office of the Civil Defense sa Ilocos Region ang mga volunteer groups na maging accredited at sumali sa regional disaster and risk management councils.
Sinabi ni OCD Ilocos Region spokesperson Mark Masudog, na malaking tulong ang mga boluntaryong grupo sa pagpapatupad ng disaster management dahil nakikita ang whole-of-nation approach dito kung saan nagsasama-sama ang iba’t ibang sektor ng lipunan upang tugunan ang pangangailangan ng komunidad.
Idinagdag niya na ang mga volunteer groups ay tumutulong sa pagsasagawa ng disaster management hindi lamang sa pagliligtas kundi pati na rin sa pagpapataas ng kamalayan ng komunidad tungkol sa panganib.
Aniya, ang mga volunteer groups ay nagsisilbing link o tulay sa pagitan ng gobyerno at ng mga komunidad upang makapag-tulong tulong sa isang serbisyo publiko.
Aniya pa, patuloy umanong tumatanggap ng mga non-government organizations at civil society organizations ang ahensiya para maging partners ng disaster management council sa rehiyon. |ifmnews
Facebook Comments