Office of the Civil Defense, itinangging hindi sila nakapaghanda sa Bagyong Ulysses

Itinanggi ng Office of the Civil Defense (OCD) na hindi nila napaghandaang mabuti ang mala-Ondoy na pagbaha na dulot ng Bagyong Ulysses sa Metro Manila at iba pang mga lugar na dinaanan ng bagyo.

Ayon kay OCD Deputy Administrator for Operations Assistant Secretary Casiano Monilla, hindi sila nagkulang sa pagbibigay ng babala at sa katunayan maging ang mga rehiyon sa Norte tulad ng Region 1 at Region 2 ay inabisuhan sa posibleng epekto ng Bagyong Ulysses.

Iginiit pa ni Monilla na hindi ngayon ang oras para magturuan at sinabing nagfo-focus sila ngayon sa mga rescue operations.


Facebook Comments