2 patay habang 4 nawawala sa pananalasa ng Bagyong Ulysses sa Bicol Region

Aabot sa dalawang indibidwal ang nasawi habang apat ang naitalang nawawala sa Bicol Region matapos ang pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Batay sa Office of Civil Defense (OCD), isang 68-anyos na lalaki ang natagpuang wala ng buhay sa kanyang bubungan sa Daet, Camarines Norte habang 70-anyos na lalaki naman ang nadulas sa basang semento nang aktong tatayo mula sa kanyang kama.

Sa apat na mga nawawala, tatlo rito ang residente ng Bayan ng Vinzon at isa sa Mercedes habang walo rin ang naitala pang sugatan.


Inilikas naman ang nasa 188,987 indibidwal o 52,719 pamilya dahil pa rin sa patuloy na pananalasa ng bagyo.

Walong national roads naman ang hindi madaanan, 37 bayan ang binaha at 5 landslides ang naitala sa rehiyon.

Facebook Comments