Manila, Philippines – Magpapatupad ang Office of the Civil Defense ng “No Sail Zone” sa ilang lugar sa bansa oras na ituloy ng North Korea ang banta nitong pag-atake sa Guam.
Ayon kay Defense Spokesman Arsenio Andolong – nakikipag-ugnayan na sila sa Armed Forces para malaman ang mga lugar na posibleng daanan ng missiles.
Kahit walang direktang banta ang NoKor sa Pilipinas, maaari pa rin kasing umabot sa bansa ang mga debris ng missile attack.
Gagamit ng mga chartered plane ang pamahalaan para mailikas mula Guam ang mga Pilipino roon na gustong umuwi.
Habang handa na rin ang bahay na magsisilbing evacuation center para sa mga Pinoy na gusto namang manatili.
Samantala, handa naman daw ang bomber aircraft ng Amerika sa posibleng pag-atake sa Guam.
Habang naka-deploy na rin ang Patriot Missile Defense System ng Japan para pigilan ang posibleng pagbagsak ng missiles sa kanilang teritoryo.