Apat pang bihag ng Maute Group, nakatakas; Fr. Chito Suganob, kumpirmadong buhay pa

63

Marawi City – Apat pang bihag ng Maute Terror Group ang nakatakas sa Marawi City.

Isang kilometrong layo ang nilangoy ng mga bihag sa Lanao lake bago sila na-rescue ng Philippine Navy.

Kwento nila, tatlong buwan silang ginawang tagaluto ng mga terorista na nagkukuta sa isang mosque.

Mahigit 40 pa ang hawak na bihag ng mga Maute kabilang ang 20 babae na ginagawa raw sex slave.

Buhay pa rin anila si Father Chito Suganob na ginagawa namang taga-ipon ng pulbura para sa paggawa nila ng bomba.

Facebook Comments