Ipinasisiguro ngayon ng Office of Civil Defense o OCD sa mga local government units na sa panahon ng kalamidad at may kailangang ilikas sa mga paaralan na ginagamit ng ilan bilang isolation facilities na nasusunod pa rin ang minimum health standards ngayong may pandemya pa rin.
Ayon kay Mark Masudog, Information Officer ng OCD RO1 na nakipag-ugnayan sila sa Regional Incident Management Team sa mga binuong Local Task Force Against COVID19 para makita kung may mga paglabag ba hinggil sa pagpapatupad ng minimum health standards gaya na lamang ng physical distancing, pagsusuot ng face mask at ng iba.
Nakaantabay din naman umano ang pwersa ng PNP, BFP, OCD at DSWD.
Kailangan din umano na magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng LGU at DepEd na ginagamit bilang isolation area at gagawing evacuation areas sa panahon ng kalamidad.
Mahalaga umano ito dahil sa pagtitiyak ng LGU na mismo ang gagastos sakaling may sirang kagamitan sa mga paaralan dahil sa mga kababayan ding gumagamit nito.