Manila, Philippines – Inuulan ng batikos ang Office of the Ombudsman mula sa mga beat reporters na nagco-cover sa anti-graft body.
Kasunod ito ng magkakaibang statement ng Ombudsman sa umano’y hawak nilang report ng Anti-Money Laundering Council o AMLC kaugnay sa alleged hidden wealth ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang noong Biyernes ay matapang na inihayag ng ombudsman sa kanilang statement na hindi sila natatakot at tuloy ang kanilang imbestigasyon sa pamilya Duterte.
Pero biglang kumambiyo kahapon si Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang sa pagsasabing wala naman daw silang hawak na report ng AMLC at isinisi ito sa media.
Sabi ni Carandang kahapon, dalawang reporter ang nagpakita lamang sa kanya ng umanoy amlc report.
Mahalaga kasi ang binitawang pahayag ni Carandang dahil pinalalabas nito na magkatugma ang alegasyon ni Sen. Antonio Trillanes at AMLC report na may bilyun-bilyong ari-arian at pera sa bangko ang pangulo.
Dahil sa pagsisi sa media, galit na galit na sa viber group ng Ombudsman ang mga mamahayag na humihiling ng press conference kay Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Dahil sa galit ng media, ilan sa mga reporter ang nagbubunyag na ngayon na mayroon palang PR consultant na binabayaran ang Office of the Ombudsman na nagbibigay ng ekslusibong impormasyon sa ilang piling media