Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, duda nang ituloy ang peacetalks dahil sa sunod-sunod na pag-atake ng New People’s Army

Manila, Philippines – Nagdududa na ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAAP) kung itutuloy pa ang negosasyon ng gobyerno sa Communist Party of the Philippines.

Kasunod ito ng sunod-sunod na pag-atake ng New Peoples Army (NPA) sa iba’t ibang panig ng bansa sa kabila ng alok nitong tigil-opensiba dahil sa nagaganap na labanan sa Marawi City.

Sa isang pahayag, sinabi ng OPAPP na nakakabahala ang nagkokontrahang sinasabi at ginagawa ng mga rebeldeng komunista.


Una na kasing kinondena ng mga lider ng komunistang grupo sa Europa ang pag-atake ng teroristang grupo sa Marawi pero patuloy naman ang ginagawa nilang pag-atake sa ibang siyudad.

Giit ng OPAPP, malinaw na paglabag ito sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law na pinanumpaang paiiralin at irerespeto ng CPP-NPA-NDF.

Facebook Comments