Office of the Press Secretary, nagpaabot ng pagbati kay Arnell Ignacio kasunod ng kumpirmasyon sa pagkakatalaga nito bilang bagong OWWA administrator

90

Nagpaabot ng pagbati ang Office of the Press Secretary sa appointment ni Arnell Ignacio bilang bagong pinuno ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon kay Office of the Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, maganda naman ang naging performance ni Ignacio sa OWWA bilang deputy administrator nito na nagsimula noong nakaraang administrasyon.

Ayon kay Angeles si Ignacio ang papalit kay Hans Leo Cacdac na hindi pa sigurado kung ililipat ito sa ibang ahensiya o mabibigyan ng bagong posisyon.


Samantala, may dalawa pang pwesto sa OWWA na deputy executive director na sinasabing itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pero kailangan pa ng kumpirmasyon mula sa Palasyo.

Facebook Comments