Tiniyak ng Office of Solicitor General na gagamitin nito ang lahat ng legal remedies laban sa ₱7.39 Billion award sa Manila Water na inisyu ng Singapore Arbitration Court.
Ayon kay Solicitor General Jose Calida, hindi nila hahayaang babaligtarin ng Manila Water ang sitwasyon at ipamukhang sila ay ‘exemplary’ at ‘outstandanding’ Company.
Dagdag pa ni Calida, ang susunod nilang gagawing hakbang ay ipikitang walang nangyaring “procedural lapse” sa panig ng gobyerno.
Ipinunto ni Calida na ang kumpanya ang tumanggi na maging subject ng legitimate regulation.
Tatanungin din nila ang milyu-milyong customer ng Manila Water lalo’t sila ang direktang naaapektuhan ng water shortages.
Facebook Comments