10 Year plan, isusulong kasabay ng pag-bid ng Pilipinas para mag-host ng 2030 Asian Games

153

Isinusulong ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang 10 Year plan para mag-bid para sa hosting ng Asian Games sa 2030.


Ayon kay Cayetano, dapat makilahok dito ang lahat ng political parties ng bansa upang masigurong maipapatupad ang programa, sinuman ang maging susunod na Presidente ng bansa sa 2028.

Kailangang magkaroon ng Chief Coordinator para sa mga imprastraktura.

Sinabi ni Cayetano na ang mga bagong pasilidad ay dapat itayo sa loob ng mga State Universities, upang mapakinabangan kahit matapos ang event.

Samantala, plano na ng Philippine Olympic Committee na mag-bid para mag-host ang Pilipinas sa Asian Games.

Facebook Comments